Powered By Blogger

Thursday, July 5

DYIPNI

Ang Pilipinas nga naman, home to many FUNNY, ABORMAL, SARCASTIC, KIND AT CLOSE-FISTED citizens. Bakit? Well, subukan mong sumakay sa PUJ short for Public Utility Jeepney dito sa atin, tiyak makakasalubong mo ang iba't-ibang ugali ng mga pinoy.



Ipagpalagay na natin na isa ako sa mga taong mahilig sumakay ng jeep. Sino ba naman ang hindi sasakay dito, bukod sa mura ang pamasahe ay makakabanggaan mo pa ang iba't-ibang personalidad nang mga pinoy. Narito ang  "ILANG" ugaling kaiinisan, ikatutuwa at ipagkakataka niyo na madalas kong mapansin sa mga pasahero ng jeep... isama nyo na din and tsuper(driver).......


CLOSE-FISTED PASSENGERS - sila ang mga taong mahilig mambola ng driver. Madami silang baong barya at palaging naghihintay nang iba pang pasaherong magbabayad para isabay ang kanyang bayad. Sa ganitong paraan, hindi mapapansin ng driver na kulang ang kanyang binayad. Samakatuwid, sila ang mga taong KURIPOT o CLOSE-FISTED sa ingles.


HARD TO CONVINCE PASSENGERS - sila naman ang mga pasaherong bingi, kung hindi mo pa isisigaw ang mga katagang, "MAKIKIABOT PO NG BAYAD" ay hindi ka nila papansinin. Para kang nagsasalita sa kawalan pag nakasalamuha mo ang pasaherong ito, kung ilalapat ang konsepto ng pag-ibig, sila ang mga taong HARD TO CONVINCE and HARD TO FORGET.


DABARKADAS - ang mga pasaherong aksidenteng nagkikita sa jeep na kung magbatian at magkwentuhan ay parang isang taong hindi nagkita. Kabilang din dito ang mga magbabarkada na mahilig magkwentuhan at magkulitan kahit sa loob ng jeep na mistulang kinakanila na ang buong sasakyan. 


THE GWAPINGSsila ang MR. POGI ng passenger jeepney. Mapapansing madaming pasulyap sulyap na babae, (isama na din natin ang mga 'pa-gurl') sa kanya at di hamak na pag tumabi ito sa iyo ay kikiligin ka nang bongga at iisiping gusto ka nito kaya sa'yo tumabi. XD

At dahil masyadong marami ang mga pasaherong may nakakalokang personalidad na sumasakay sa isang PUJ, minabuti kong putulin muna ito pansamantala upang manghagilap pa ng mga impormasyon....[=

TO BE CONTINUED. . . . .

AU REVOIR everyone! c:

No comments:

Post a Comment